MABUHAY AT MAGANDANG ARAW SA LAHAT!
Nagkakaisa ang pluma at papel upang maipahayag ang malinis
at makabuluhang mga impormasyon sa pangunguna ng mga responsableng estudyante na hinaharap ang mundo ng mayroong mga ngiti
sa kanilang mga labi at kaligayahan sa kanilang mga inosente pang puso.. Lumubog man ang araw sa Kanluran ay sisikat
pa rin ang buwan sa kabilang parte ng kalawakan. Malinaw na ipinapahayag ang konsepto ng bagong pag-asa pagkatapos ng malawakang
kadiliman. At upang mas maipaliwanag sa mga lupon ng nais matutong mga mag-aaral ang ideya ng malayang pamamahayag pangkampus,
naririto po ang isang website na tiyak na gigising sa mga natutulog na isipan ng mga estudyante, at maging ng mga guro tungo
sa ikatatagumpay ng malayang pamamahayag.
Ito po ang opisyal na website ng LARAWANG DIWA,
ang opisyal na publikasyon ng aming kagalang-galang na paaralan, ang IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL. Dito sa website na ito ay
aming ipakikilala ng husto ang aming pampaaralang pahayagan na tiyak na aaliw sa mga mambabasa.
Sa pangunguna ng aming pinagpipitaganang tagapayo ng
LARAWANG DIWA na si Gng. Rosielyn Topacio, kami ay nagagalak na ipakilala ang aming pampaaralang pahayagan gamit ang website
na ito. Sabay din naming ipakikilala ang mga bumubuo ng LARAWANG DIWA, partikular, ang mga manunulat na estudyante
sa iba't-ibang artikulo. Maglalabas din kami ng mga halimbawang artikulo ng bawat estudyante upang lubos ninyo silang magustuhan.
Nawa'y kasihan kami ng Poong Maykapal at ang suporta ninyo'y laging nariyan. Salamat.
-
Pamunuan ng Larawang Diwa
------------------------------------------------------------------------------
Ang website na ito ng LARAWANG DIWA ay pinagtulu-tulungang mabuo ng kanyang pamunuan. Isa rin itong mabisang paraan
ng komunikasyon sa pagitan ng mga mambabasa at ng pamunuan. Sana'y pagtuunan ninyo ng pansin ang paglalagay ng inyong mga
mensahe para sa inyong mga opinyon at suhestiyon. Makaaasa kayong ito'y bibigyan namin ng atensyon.